MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes na kabuuang 6.1 tonelada o 6,100 kilo ng basura ang nakolekta sa National Capital Region sa Election Day nitong Lunes.
Sa ulat ng MMDA, sinabi nitong 288 sako ng basura ang nakuha mula sa 17 lungsod at bayan sa Metro Manila.
Ang lugar kung saan may pinakamaraming basurang nakolekta ay Malabon sa 1.48 tonelada o 1,480 kilo, sinundan ng Manila sa 0.97 tonelada, Parañaque sa 0.72 tonelada, at District I-B sa Quezon City sa 0.59 tonelada.
Nauna nang nanawagan ang environmental advocacy group na EcoWaste Coalition para sa “basura-free” na eleksyon ngayong taon. RNT/SA