MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 6.8% ng mga Pilipino sa labor force ang walang bayad, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Miyerkules.
Kinumpirma ni DOLE Secretary Bievenido Laguesma ang mga numero sa budget deliberations sa panukalang 2025 budget sa harap ng House committee on appropriations nang tanungin ito ni Marikina lawmaker Stella Quimbo.
Sinabi ni Quimbo na ang underemployment ay isa sa mga tagapagpahiwatig ng kalidad ng mga trabaho.
Ayon kay Quimbo, ang mga manggagawa na walang bayad noong Hunyo 2023 ay nasa 9.4%.
“Nagtatrabaho sila ngunit hindi sila binabayaran. Ganun karami. Pero, as of June 2024, bumaba na sa 6.8% ang unpaid workers,” sabi ni Quimbo.
Inihayag naman ni Laguesma na ang mga numero ay tama at talagang bumuti ang sitwasyon.
Gayunman, inihayag ni Laguesma na hindi sila kampante sa puntong ito.
Aniya , kailangan talagang magbigay ng mga de-kalidad na trabaho para hindi na underemployed. Ngunit mahaba pa umano ang lalakbayin.
Hindi naman nagbanggit ni Laguesma ang mga tiyak na numero sa mga hindi binabayarang manggagawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden