Home METRO 6-anyos na babae, iniligtas matapos bugbugin ng ama sa Bacolod

6-anyos na babae, iniligtas matapos bugbugin ng ama sa Bacolod

67
0

BACOLOD, Philippines – Isang 6-anyos na batang babae ang nailigtas ng mga awtoridad matapos kumalat ang viral video kung saan siya ay paulit-ulit na pinapalo ng stick sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ng kanyang ama sa isang public plaza sa Bacolod City.

Ayon kay Mayor Greg Gasataya, agad niyang inutos ang rescue operation matapos mapanood ang video, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Services and Development (DSSD) Anti-Mendicancy Team.

Sa imbestigasyon, sinabi ng bata na pinapalo siya ng kanyang ama kapag kulang ang perang nalilikom niya mula sa pamamalimos.

Inaresto ang ama at dinala sa Police Station 1, kung saan kinompronta siya ng alkalde. Giit ni Gasataya, “No matter how difficult or disobedient your child may be, it will never be a reason to hurt them.”

Sinabi ng city government na mananagot ang ama at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, na isinampa noong Mayo 20 sa Office of the City Prosecutor.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSSD ang bata at sasailalim siya sa psychosocial intervention at medical examination habang nagpapatuloy ang legal na proseso.

Nagpahayag din ng galit si Councilor Celia Flor, at iginiit na “there should be zero tolerance for all forms of abuse, especially against women and children.”

Hinimok nina Gasataya at Flor ang publiko na agad i-report ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata sa Bacolod Support and Action for Families in Emergency (SAFE) Hotline. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here