Home NATIONWIDE 6 coastal areas sa VisMin, positibo sa red tide

6 coastal areas sa VisMin, positibo sa red tide

MANILA, Philippines – Nagpositibo sa red tide ang anim na coastal area sa bansa.

Sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes, Abril 12, ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang nagposito sa paralytic shellfish poison o toxic red tide higit saa regulatory limit.

Ito ay ang mga sumusunod:

– Coastal waters ng Milagros sa Masbate
– Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
– San Pedro Bay sa Samar
– Matarinao Bay sa Eastern Samar
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
– Coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte

Ayon sa BFAR, ang mga shellfish at alamang sa mga lugar na ito ay hindi ligtas na kainin.

Maaari namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta’t ito ay lulutuing mabuti.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are not safe for human consumption.”

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” sinabi ng BFAR. RNT/JGC