MANILA, Philippines – Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific (CEB) ang anim na flight patungong Middle East nitong Martes, Marso 3, dahil sa umiiral na sitwasyon sa rehiyon.
Kabilang sa mga apektadong biyahe ang 5J 14/15 Manila-Dubai-Manila ng Cebu Pacific at PR 685 Doha-Manila, PR 684 Manila-Doha, at PR 654/655 Manila-Riyadh-Manila ng Philippine Airlines.
“The safety and well-being of our passengers, crew, and ground team remain our highest priority,” ayon sa advisory ng CEB.
Nag-aalok ang Cebu Pacific ng flexible options para sa mga pasaherong nais ipagpaliban ang kanilang biyahe papunta at pabalik ng Dubai hanggang Marso 8 at Riyadh hanggang Marso 9, kabilang ang libreng rebooking at travel fund conversion.
Ayon sa PAL, maaaring mag-avail ng rebooking o refund ang mga apektadong pasahero. Kinansela rin ng airline ang PR 685 Doha-Manila na nakatakda sa Marso 4.
Pinayuhan ng dalawang airline ang mga pasahero na i-check ang flight status at advisories sa kanilang website, mobile app, at opisyal na social media channels. Dave Baluyot