Home NATIONWIDE Obispo, umaapela ng dasal para sa kaligtasan ng OFWs sa MidEast

Obispo, umaapela ng dasal para sa kaligtasan ng OFWs sa MidEast

151
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang obispo sa publiko ng panalangin at pakikiisa para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan kasunod ng tumitinding sigalot sa rehiyon.

Paalala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Pilipino sa mga apektadong lugar na manatiling mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras para sa kanilang kaligtasan.

“For your safety and well-being, I strongly advise you to remain in your respective homes and places of work, to avoid unnecessary travel, and to faithfully follow the instructions of our Embassy officials and all legitimate authorities,” pahayag ni Bishop Santos.

Ginawa ng obispo ang panawagan kasunod ng ulat hinggil sa malawakang operasyong militar ng Amerika at Israel laban sa Iran na naglalayong pahinain ang kakayahang militar at nuclear ng bansa.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang patuloy na paglala ng sitwasyon ay may malawak na implikasyon hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.

“This conflict threatens not only the stability of the Middle East but also the peace of the world,” ayon sa obispo.

Nagbabala rin ang obispo sa magiging epekto ng digmaan sa mga sibilyan.

Umaasa si Bishop Santos na sa pamamagitan ng panalangin at sama-samang pagkilos ay manaig ang pagkakasundo at tuluyang magwakas ang karahasan sa rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here