Bacoor City Mayor Strike Revilla kassama ang 47 Barangay Chairperson at opisyal ng Bacoor City sa kanyang kaarawan.
MANILA, Philippines – Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ang naganap kahapon, Marso 2, sa kaarawan ni Strike Revilla, kung saan muli niyang nakasama at nakapiling ang mga mamamayan ng Bacoor City.
Tulad ng kanyang nakagawian taon-taon, pinili ng alkalde na ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw kasama ang mga Bacooreño. Mas gusto umano ni Mayor Strike na makihalubilo at personal na makasama ang kanyang mga kababayan tuwing siya ay nagdiriwang ng kaarawan — patunay ng kanyang malasakit at pagiging malapit sa masa.
“Salamat sa inyo. Sa walang sawang pag-salo sa akin tuwing kaarawan. Mananatili kayo na aking inspirasyon,” pahayag ni Mayor Strike.
Bilib at todo-suporta naman ang mga residente ng buong Bacoor, Cavite sa kanilang alkalde dahil sa patuloy na pag-unlad ng lungsod sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Dahil dito, hindi na rin nakapagtatakang lagi itong nagwawagi nang landslide at walang katunggali sa tuwing eleksyon.
Sa huli, ang simpleng selebrasyon ay naging simbolo ng matibay na samahan ng lider at ng kanyang mga nasasakupan — isang relasyon na punong-puno ng tiwala at suporta. RNT