Home METRO 6 lugar sa Pinas, posibleng makaranas ng danger-level na init — PAGASA

6 lugar sa Pinas, posibleng makaranas ng danger-level na init — PAGASA

131
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang makakaranas ng danger-level heat index ang anim na lugar sa bansa ngayong Huwebes, Mayo 7.

Ang danger-level heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C, at maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at posibleng heat stroke, ayon sa PAGASA.

Batay sa forecast noong Miyerkules ng hapon (5 p.m.), inaasahang aabot sa 43°C ang heat index sa Borongan, Eastern Samar at San Jose, Occidental Mindoro.

Samantala, nasa 42°C naman ang inaasahan sa Laoag City, Ilocos Norte; Dagupan City, Pangasinan; Sangley Point, Cavite City, Cavite; at Cuyo, Palawan.

Nagpaalala ang PAGASA na maging maingat sa matinding init dahil maaari itong magdulot ng seryosong epekto sa kalusugan, lalo na kung matagal na nakabilad sa araw o kulang sa tubig ang katawan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here