Home METRO 6 na tulak ng shabu nalambat sa Bulacan

6 na tulak ng shabu nalambat sa Bulacan

206
0

MANILA, Philippines – Bunsod ng patuloy kampanya kontra iligal na droga ay nalambat ng mga awtoridad ang anim na drug suspek at nasabat ang nasa higit P200,000 halaga ng suspected shabu sa ikinasang buybust operation ng pulisya nitong Linggo ng madaling araw, Enero 4 sa Barangay Paitan, Baliuag City.

Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., naaresto ang mga suspek na magkakasabwat umano sa pagbebenta ng shabu sa undercover police.

Narekober sa mga suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit P200,000, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa buybust.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here