Home METRO 600 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Intramuros

600 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Intramuros

211
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 600 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang residential area sa Barangay 655 sa Intramuros, Maynila noong Miyerkules ng hapon.

Sumiklab ang sunog sa kanto ng Cabildo at Anda Streets at umabot sa ikaapat na alarma. Ilan sa mga residente ang hindi na nakapagsalba ng kanilang mga gamit dahil agad silang lumikas, habang nahirapan naman ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa makikitid na kalsada.

Sinabi ni Barangay 655 captain Johnny Yacub na may ilang residente na umano’y nakakita sa isang lalaki na nagsimula ng sunog. Ang suspek, na binugbog ng ilang residente, ay nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD).

Unang iniulat ang sunog dakong alas-4:48 ng hapon, umabot sa ikaapat na alarma bandang alas-5:28 ng hapon, at tuluyang naapula dakong alas-11:30 ng gabi.

Samantala, inanunsyo ng Bahay Tsinoy Museum na mananatili itong sarado ngayong Huwebes para sa inspeksyon at paglilinis matapos ang sunog, dahil nasa likod lamang ng museo ang nasunog na residential area. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here