Home NATIONWIDE 62 PCG personnel pinarangalan sa pagsagip sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo...

62 PCG personnel pinarangalan sa pagsagip sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc

MANILA, Philippines-Tumanggap ng mga parangal ang 62 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pagsagip sa mga mangingisdang Pilipino na sumabog ang bangka malapit sa Bajo de Masinloc.

Bronze Cross ang natanggap ng PCG personnel para sa kanilang pagtugon sa insidente sa kabila ng pagbuntot at pagharang ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army (PLA) Navy.

Ayon sa PCG at sa mga mangingisdang Pinoy, hindi totoong sinagip sila ng mga Chinese personnel.

Hinarang pa umano ng mga Chinese personnel ang mga bangkang tumulong sa mga biktimang Pinoy. Sinabi ng mga nasagip na mangingisda na tumawag sila ng tulong sa radyo at dumating ang isang bangkang Pilipino at dinala sila sa paparating na barko ng PCG, ang BRP Sindangan.

Dalawa sa walong Pilipinong mangingisda ang sugatan nang sumabog ang engine ng FB Aiko 17 nautical miles southwest ng Bajo de Masinloc, o kilala rin na Scarborough Shoal o Panatag Shoal. Jocelyn Tabangcura-Domenden