
“NAGBUBUNGA” na ang “itinanim” ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio. At kumbaga, ito ay “siksik,” “liglig,” at “nag-uumapaw.”
Ang tinutukoy natin ay ang kanyang “inisyatiba” noong isang taon na itayo ang ‘Customs Industry Consultative and Advisory Council’, isang ‘partnership’ sa pagitan ng Aduana at pribadong sektor upang mapalakas pa ang kanilang ugnayan at kooperasyon.
Layunin din ng CICAC na maging “kabalikat” ng BOC ang pribadong sektor at lahat ng ‘stakeholders’ nito sa pagbuo ng mga polisiya na lalo pang nagpapabilis sa mga proseso ng ahensya. Naging epektibo rin itong daluyan (‘channel’) para kagyat na masolusyonan ang ano mang problema na may kinalaman sa paglalabas ng mga produkto sa hurisdiksyon ng Aduana.
Sa selebrasyon ng unang taon ng CICAC na ginanap sa bulwagan ng FFCCII sa Binondo, Maynila, kasabay ng ikatlong ‘general assembly’ nito, noon lang Marso 14, ‘very proud’ siyempre ang ating mga ‘industry leaders’ at mga negosyante na makasama sa nasabing selebrasyon. Dangan nga kasi, “sila” ang unang nakikinabang sa mga repormang isinusulong ni Rubio sa loob ng BOC.
Sa ganang atin, ang pagbuo ni Comm. Rubio ng CICAC ay isang ‘brilliant strategic move’ na bukod sa nakatulong upang maisakatuparan ang mga “plano” ni Commissioner para sa ahensya ay nakatulong din ng malaki sa usapin ng ‘transparency.’
Dahil nga aktibo nang kasama ng BOC ang pribadong sektor, hindi na basta “napapalundag” ang ating mga negosyante sa bintang na patuloy na “korap” ang ahensiya.
Hindi rin tuloy nakapagtataka na patuloy na “inuulan” ng mga parangal at pagkilala si Rubio.
Sa huling bilang natin, tumanggap na ng apat nang “pagkilala” si Rubio mula sa iba’t-ibang respetadong samahan simula noong Nobyembre 2024 hanggang ngayong buwan ng Marso dahil sa kanyang mahusay na pamumuno.
Eh, wala na tayong masasabi dito kung hindi… “magpakape” ka naman, Comm. Rubio, hehehe!