Home NATIONWIDE ‘Ecstasy’ na idineklarang animal food, nasawata sa Pampanga

‘Ecstasy’ na idineklarang animal food, nasawata sa Pampanga

174
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang padalang mula Europa na may lamang hinihinalang ecstasy sa isang operasyon sa UPS Warehouse sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

Ang kahina-hinalang kahon ay idineklarang “animal food” ngunit natuklasang naglalaman ng apat na vacuum-sealed na pakete ng ipinagbabawal na gamot.

Ang padala ay mula sa France at nakapangalan sa isang Jerico Gregorio Causon ng Taguig City. Patuloy pa ang imbentaryo at dokumentasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here