Home OPINION ANG ‘LEON’ NG ADUANA

ANG ‘LEON’ NG ADUANA

203
0

NGAYONG linggo gaganapin sa Cebu ang regular na ‘Collector’s Conference’ ng Bureau of Customs na pangungunahan ni Commissioner Ariel Nepomuceno.

Hindi naman tayo magtataka kung “bumait” na at nagsimula nang “mahismasan” ang mga “pasaway” at “walang takot” sa paggawa ng mga kabulastugan sa kanilang hanay, sampu ng iba pang mga opisyal at tauhan ng Aduana.

Uulitin natin na bagaman “mahinahon” at “mabait” ang personalidad ni Comm. Ariel, sa likod nito ay isang “leon” na hindi mag-aatubiling “sakmalin” ang mga “hinayupak” na ayaw sumunod sa panawagan niya para sa totoong reporma sa loob ng ahensya.

At noon ngang Biyernes, nakatikim ng kanyang “pangil” at “nasampolan” si ex-Port of Subic district collector, Atty. Marlon Fritz Broto, MNSA.

Inilipat na sa BOC ‘Naval Command’ (‘floating status’) at nakasalang na sa imbestigasyon si Collector Broto na kailan lang ay ‘na-promote’ pa nga bilang ‘Director III’ at hepe ng BOC Collection Service. Ang pagsibak kay Broto ay may ‘blessing’ ni Finance Secretary Ralph Recto at Malakanyang.

Kasama rin sa iniimbestigahan at sinibak sa pwesto si Lord Jane Autriz, hepe ng Liquidation and Assessment Audit Division.

Ang imbestigasyon ay nakasentro sa hinalang nilabag nang dalawa ang RA 3019 o ang ‘Anti-Graft and Corrupt Practices Act’ matapos maglabas ng mga ‘Notice of Preliminary Investigation’ sa mga importer na hindi naman nila trabaho at hindi sakop ng mandato ni Broto.

Hmmm. Dismayado kaya ang mga kaklase ni Collector Marlon sa National Defense College kung saan isa siya sa nagtapos ng ‘MNSA’ (Masters in National Security Administration)? Para kasing “nakahihiya” sa kanilang hanay ang ganitong balita, tama ba, Sen. Loren Legarda?

Ang nangyari kay Collector Broto ay malinaw na “mensahe” ng Palasyo at ni Secretary Ralph na mayroong ‘free hand’ si Comm. Ariel na ayusin ang mga kalakaran at sistema sa Aduana, sukdulang “harbatin” at “latiguhin” ni Comm. Ariel— kahit ang mga nagyayabang na sila ay ‘untouchable’ dahil “matitindi” ang kanilang ‘MBAs’ (May Backer Ako).

Abangan pa natin ang mga susunod na kabanata.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here