KUNG mapapansin ninyo, mga brad, isa sa mga walang tigil sa paggala sa mga lansangan ang mga pulis habang nakaalerto naman ang mga sundalo upang asistihan nila umano ang mga pulis…kung kinakailangan.
Ngunit ano ba meron sa mga araw na ito at ganito ang pagkilos ng mga pulis at sundalo simula noong Setyembre 12, Biyernes?
Una, nauugnay lahat sa grabeng pag-alingasaw ng lahat ng baho ng mga korap at mandarambong, kasama ang mga kakutsaba nila, kahit saan na nagsimula sa mga ghost, substandard, abandonado at iba pang masamang kalagayan ng flood control projects.
Ikalawa, nagkaroon ng mga protesta sa mga lansangan sa Maynila, EDSA, Senado at sa Visayas at Mindanao, ang mga grupo na magkakatulad o magkakontra ang mga pananaw sa kung sino ang mga responsable sa mga korapsyon at pandarambong.
Ikaapat, may mga organisado na ring grupo na sasali sa mga protesta gaya ng libo-libong tsuper at mga retiradong pulis at military..
Ikalima, may panganib na hindi makontrol ang galaw ng malalaking grupo na nagpoprotesta hindi lang sa mga kalsada kundi sa ere sa pamamagitan ng lahat ng anyo ng media.
Ikaanim, may mga grupo na gumagamit sa mga isyu para pabagsakin mismo ang kasalukuyang administrasyon at posibleng magaya ang mga pangyayari sa naganap sa EDSA People Power-1986.
Hindi na tayo dapat magpaligoy-ligoy pa.
Mismong si Pangulong Marcos ang nagsabi kahit kahapon na kung isa siyang mamamayan, sasama rin siya sa mga protesta…basta mapayapa.
Sa aktuwal na mga lugar ng protesta, hinahanapan ng mga pulis ang mga nagpoprotesta ng permit.
‘Yun bang === pinaiiral ang “no permit, no rally” na patakaran.
At dapat umanong sa mga freedom park lang magkaroon ng mga rally para hindi maaapektuhan ang ibang mga tao na walang kinalaman sa mga isyu ng mga nagpoprotesta.
Kung walang susunod sa “no permit, no rally” policy, ano kaya ang mangyayari?






