Home METRO 71-anyos na negosyante utas sa tambang sa P’que

71-anyos na negosyante utas sa tambang sa P’que

MANILA – Isang 71-anyos na negosyante ang pinagbabaril habang nagmamaneho ng kanyang SUV sa Parañaque City nitong Martes ng umaga.

Ayon sa testigo, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang lumapit sa sasakyan ng biktima, at ang back rider ay nagpaputok ng apat hanggang limang beses, dahilan upang bumangga ang SUV sa isang poste. May tama ng bala ang side mirror at harapang kaliwang bahagi ng sasakyan.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang biktima ay nasa negosyo ng pagpapaupa ng bahay, ngunit hindi pa malinaw ang motibo ng krimen.

Sinabi ni Police Colonel Randulf Tuaño, may sinusundan nangang lead ang mga imbestigador, ngunit hindi pa ito isinasapubliko habang nagpapatuloy ang follow-up operations. RNT