Home METRO NCIP official pinagbabaril sa Basilan

NCIP official pinagbabaril sa Basilan

MANILA, Philippines – Nasawi si Czarina Mae Mustafa Malun, opisyal ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin na pumasok sa kanyang opisina sa Isabela City, Basilan noong Abril 21.

Ayon kay Police Lt. Col. Raymond Sanson, nangyari ang pamamaril bandang alas-11 ng umaga at idineklara siyang patay sa ospital dahil sa maraming tama ng bala.

Tumakas ang mga suspek at patuloy pa ang imbestigasyon.

Umapaw sa kanyang social media ang mga mensahe ng pakikiramay at panawagan para sa hustisya. RNT