Home OPINION ‘MALAKING TAMA’ NI GOV. OYIE

‘MALAKING TAMA’ NI GOV. OYIE

1
0

NATAWAG ang ating pansin sa isang ‘online interview’ kay Nueva Ecija Governor Aurelio ‘Oyie’ Umali kamakailan ng isang kasamahan nating media sa Central Luzon.

Sa panayam, aprub tayo sa “hamon” ni Gov. Oyie sa Department of Environment and Natural Resources na IMBESTIGAHAN kung paano nga ba itinatapon ng mga Local Government Unit, water districts at mga pribadong kontraktor ang mga duming “nahihigop” sa ating mga “poso-negro” (septic tank)?

At sadyang mababa ang loob ni Gob sa kanyang “pag-amin” na sa pagpapatupad ng RA 9275 (Clean Water Act of 2004), marami pang LGUs at water districts ang hindi pa ‘fully compliant’ sa batas—hindi katulad ng iba na bistado nang tumanggap ng “maleta,” nagmamalinis pa, hehe!

Sa ganang atin, malaki ang tama ni Umali sa pagbibigay ng nasabing babala dahil hindi lang kanyang mga kababayan sa Nueva Ecija at mga nakatira sa Central Luzon (si Gov. Oyie ang chairman ng Infrastructure Development Council ng Central Luzon Regional Development Council) ang apektado ng problema sa suplay ng ligtas at malinis na tubig– LAHAT tayo, mula Jolo hanggang Aparri, apektado, okie?

Kung hindi nga naman natin alam kung nasusunod nga ba ang mga panuntunan sa pagtatapon (disposal) ng mga dumi mula sa ating mga poso-negro, gaano tayo kasigurado na malinis at ligtas pa ang mga tumutulong tubig sa ating mga gripo, aber?

Kailangan bang “malason” muna tayong lahat bago sabihin na may “problema?”

Kung hindi pa rin alam ng mga “nakakuyakoy” na opisyal ng DENR/Environmental Management Bureau, patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nagrereklamong residente—kahit pa sa mga ‘subdivisions’– hinggil sa kalidad ng at kaligtasan ng tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo, tama ba, mga kabayan?

Hmm. Mabuti pa ang isang ‘provincial leader’ na katulad ni Gov. Oyie, nakikita ang problemang dulot ng isang ‘Silent Killer’ na magpababagsak sa ating lahat.

Hindi katulad ng ilan nating ‘national leaders’ d’yan sa Senado at DENR na walang inaatupag kundi patalsikin sa poder at gipitin ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

Sadyang dapat nang kumilos ang DENR sa problemang ito. Para may silbi naman kayo.

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here