Home OPINION GASTOS VS INDAY SARA SA 2028, MAGKANO?

GASTOS VS INDAY SARA SA 2028, MAGKANO?

1
0

MARAMI ang nagtatanong kung magkano ba talaga ang gastos ng gobyerno sa impeachment ni Vice President Sara Duterte para maharang siyang manalo sa pagka-Pangulo sa halalang 2028?

Noong ginagawa ng House Justice Committee o HCJ sa pagdinig, magkano ba talaga ang ginastos ng gobyerno?

Sinasabi ni Senator Manang Imee Marcos na, bukod sa bawat araw na gastos, may milyon-milyong ipinamigay sa mga bumotong kongresman para ma-impeach si VP Sara.

Eh dalawang beses na in-impeach siya: Noong 2025 at nitong 2026.

Kasama ba sa dapat kwentahin ang pribilehiyo ng bawat kongresman na may P2 bilyon badyet kada taon simula noong 2025, ayon kay dating Congressman Mike Defensor?

Sa Senado, naglaan umano ito ng lump sum na P27M para sa buong panahon ng paglilitis na 92 araw, kasama na ang P500,000 para sa damit-panghukom, logistics, paghahanda sa venue at administrative support.

Pero ilang senador naman ang nagsasabing aabot sa P25 milyon kada araw ang gastos kung isasama ang iba pang pinagkakagastusan, gaya ng pag-deploy ng libo-libong pulis at iba pang pwersa ng pamahalaan na magbabantay sa Senado, ng mga barbed wire na pangharang sa mga raliyesta, komunikasyon ng Senado sa mga awtoridad at marami pang iba.

Hiwalay pa rito ang gastos mismo ng HCJ panel para sa legal, prosecution fees at iba pa.

Sa Senado, maaaring aabot umano ang P25M gastos kada araw sa kabuuang P2.3 bilyon ngunit malinaw ang hiwalay na gastos sa dalawang impeachment investigation ng HCJ na hanggang ngayon ay hindi pa malinaw.

Sa kabuuan, makatwiran bang gumastos ang taumbayan ng napakalaki o bilyon-bilyong piso para lang harangin si inday Sara na kumandidatong Pangulo at manalo sa 2028 bilang Pangulo?

Katumbas ang P2.3B ng P1,150,000 milyong kabang bigas na konsumo ng 1,150,000 pamilya sa loob ng isang buwan at napakalaking pagwawaldas ng buwis ng mga mamamayan, sa Senado lamang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here