Home METRO 83K pasahero dumagsa sa PITX noong Linggo

83K pasahero dumagsa sa PITX noong Linggo

MANILA, Philippines- Nasa 83,000 pasahero ang naitala sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Easter Sunday sa pagbabalik ng mga bakasyonista sa Metro Manila at pagtatapos ng Holy Week.

Ayon sa ulat, nagsimula nang umuwi sa Metro Manila ang mga nagtungo sa mga probinsya noong Holy Week.

Batay sa PITX management, umabot ang bilang ng mga pasahero sa 1,210,464 hanggang noong March 22. Anito, inaasahang darami pa ang mga dumarating na pasahero ngayong Lunes.

Samantala, bumibigat na ang daloy ng trapiko sa ilang kalsada patungong Metro Manila nitong Linggo dahil sa mas maraming sasakyan mula sa mga probinsya.

Sa  bus terminals naman sa Sampaloc, Manila at Cubao sa Quezon City, mayroong ilang mga pasaherong nakasakay sa mga bus pauwi ng probinsya, ilan sa kanila ang nagbakasyon sa Metro Manila noong Mahal na Araw. RNT/SA

Previous articleVan shoot sa bangin; 1 patay, 14 sugatan
Next articleBong Go: Gov’t vaccination vs tigdas, pertussis suportahan