Home METRO Van shoot sa bangin; 1 patay, 14 sugatan

Van shoot sa bangin; 1 patay, 14 sugatan

BENGUET – Sinalubong na ni kamatayan ang isang 72-anyos na babae matapos na masawi habang 14 ang sugatan na magkakamag-anak nang mauwi sa malagim na aksidente ang masaya sanang outing nang mahulog ang sinasakyan nilang van sa Sitio Bangao, Ambuklao, Bokod, Benguet. 

Kinilala ang biktima na si Eva Garcia Cumarat, residente ng Barangay Buenavista, Santiago City.

Minamaneho ni Theody Vega, 48-anyos, ang isang kulay puting Nissan Van na may plakang NAN 3805 kasama ang 14 na magkakamag-anak kasama ang nasawi nang mangyari ang nasabing aksidente.

Maliban sa matandang Cumarat ay kasalukuyang inoobserbahan ang anim na iba pa sa Veterans Hospital sa Bayombong, Nueva Vizcaya na kinilalang sina Theody Vega, John Andrei Cumarat, Eloisa Cumarat Mamuad, Ramon Dellosa, Joselyn Vega at Analisa Garcia. Samantala, nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang ibang mga sugatan na sina Chrislynne Vega, Christynne Joy Vega, Jezzlyn Amita, Redmond Mainit, Maridel Dellosa, Mark Joseph Cumarat Mamuad, Maryjoy Cumarat Mamuad, at Cassandra Dellosa. 

Una rito, galing Ilocos Norte ang mga sakay ng van at dumating ng Baguio City pasado alas-12 ng hatinggabi para sa kanilang family outing.

Dakong alas-12 ng tanghali, pauwi na sa Santiago City ang mga sakay ng van ngunit habang binabaybay ng drayber ang daan ay nakaidlip umano ito kaya’t nahulog sila sa higit-kumulang 50 metrong lalim na bangin na sanhi ng pagkasawi ng lola at pagkasugat ng 14 magkakaanak.

Sa pagtugon ng mga awtoridad ay agad na nadala sa pagamutan ang mga sugatang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng sumuring duktor ang nakatatandang si Cumarat dahil sa tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Rey Velasco

Previous articlePCG walang naitalang maritime incident noong Holy Week
Next article83K pasahero dumagsa sa PITX noong Linggo