Home METRO 84 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Iloilo

84 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Iloilo

ILOILO CITY – Nasa 84 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa dalawang barangay sa lungsod na ito noong Lunes, Hunyo 17.

Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Iloilo City na walang nasawi ngunit anim na residente ang nasugatan habang sinusubukan nilang makatakas sa sunog.

Iniulat ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office na 39 na bahay ang totally damaged at 12 iba pa ang partially damaged sa sunog sa Barangay Tanza Bonifacio at Barangay Rizal Estanzuela.

Tatlumpu’t dalawang bahay ang nasira at 60 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Barangay Tanza Bonifacio.

Sinabi ng Iloilo City DRRMO na ang mga lumikas na residente ay nananatili sa Rizal Elementary School at Rizal Estanzuela Hall.

Patuloy pa rin ang pangangalap ng datos ng Iloilo City Social Welfare Office sa aktwal na bilang ng mga lumikas.

Humingi ng donasyon ang mga opisyal ng barangay tulad ng pagkain, inuming tubig, at anti-tetanus vaccine para sa mga apektadong residente. RNT