ALAM ba ninyong naglalaro sa 8 milyong estudyante ang walang silid-aralan sa buong bansa?
Ito’y sa kwentang kakulangan ng 160,000 silid-aralan na nilalagyan ng nasa 50 mag-aaral at may katamtamang luwang na 63 metro kuwadrado.
Ngayon naman, para masabing silid-aralan ang gusali, dapat kompleto at ligtas.
“Yun bang === ligtas na pamalagian ng mga estudyente habang nag-aaral sila at hindi basta magigiba o guguho sa anomang kadahilanan at maluwag silang makalalabas nang ligtas sa oras ng emergency at hindi binabaha ng hanggang leeg at bubong na nagtatagal ng mga linggo o buwan.
Dapat may magandang bentilasyon, may electrical wire para sa ilaw at bentilasyon, may black o wrting board, may mga silya at la mesa para sa mag-aaral at guro, pinturado, may sapat at malinis na palikuran at iba pa.
Walang dapat alalahanin ang mga bata, magulang at guro habang may klase hanggang sa magtapos sila sa senior high school.
ANONG NANGYAYARI?
Naglabas ang Commission on Audit ng mga natagpuan nitong nakapaninindig-balahibong kalagayan sa paggawa ng mga iskul.
Simula noong 2013, nagsama ang Department of Education at Department of Public Works and Highwaysa sa paggawa ng mga silid-aralan at ipinabalikat sa huli ng una ang paggawa rito.
Noong panahon ni ex-President Digong, partikular noong 2021, kung may target halimbawa na kompletong silid-aralan na 50, 40 ang naitatayo at noong 2022, kung may target na 160, 100% naitatayo.
Pero simula noong 2023 na pag-upo ni Pangulong Bongbong Marcos, anak ng tokwa, nagsimula nang paliit nang paliit ang mga nagagawang classroom mula sa lumalaking target na gawin bawat taon.
Ayon sa COA, noong 2023, nakagawa lang ang DPWH ng 1,703 sa target na 2,362 at noong 2024, 2,815 lamang ang nakompleto sa target na 6,397 at noong 2025, 99 lang ang nagawa sa target na 5,298.
Ang masama pa, may 1,000 dito na hindi ang hindi pupwedeng gamitin sa pag-aaral, ayon kay
DepEd Secretary Sonny Angara. Anyare?
MGA PROBLEMA
Marami umanong problema sa paggawa at pagkompleto ng mga silid-aralan gaya ng suliranin sa right of way, matagal na pasubasta , hindi prayoridad ng DPWH ang paggawa ng iskul at marami pang iba.
Gayunman, tila hindi gaanong tinalakay ng COA ang korapsyon na siyang pinakamalaking problema.
Halimbawa rito ang pagkakaroon ng DepEd sa ilalim noon bilang Kalihim ni Vice President Sara Duterte ng badyet na P5 bilyon para sa pagtatayo at repair ng mga classroom noong 2023.
Meron agad mga kongresman na gustong magkaroon ng kikbak sa pondo at nang hindi siya pumayag, naglaan ang mga kongresman ng sarili nilang P10B sa pagtatayo at repair.
Pagdating ng 2024, itinuloy ng mga kongresman ang kikbakan kaya nag-resign na si VP Sara noong Hunyo 2024 saka niya inilabas ang kikbakan sa buwan ng Setyembre na simula ng pagtalakay ng pambansang badyet, gaya ng nangyayari ngayon.
Ang nangyari? Nagkaroon ng P33.8B para sa bagong classroom at repairs noong 2024 ngunit sinabi ng COA na 1,703 lang ang naitayo at noong 2025, sa badyet na ₱28.056B, 99 lang ang naitayo.
Ganyang kagrabe ang korapsyon sa panahon ng Marcos admistration.
Huhuhu!






