Home OPINION SALIGANG BATAS GINAWANG SALISIHANG BATAS

SALIGANG BATAS GINAWANG SALISIHANG BATAS

1
0

SA extension of term ba ng Presidente ay “bend the law” pa rin sa bilang ng “all members”?

Sabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, Senate Impeachment Court Presiding Officer, ang pagbabago ng voting threshold ay para lang sa impeachment ni Vice President Sara Duterte. Hindi applicable sa mga future impeachment trial. Ibig sabihin halimbawa na si Pangulong Bongbong Marcos o ibang impeachable official ang lilitisin ay ibang “Bend da Law” ang gagawin ng Senado.

Pero paano kung ang pagbobotohan ay ang AMENDMENT SA SALIGANG BATAS para sa term extension ng Presidente at ibang elected officials? Mananaig pa rin ang “Bend the Law”?

Ayon sa Article XVII sec 1 Amendments or Revision: Any amendment to, or revision of this constitution may be proposed by:

1. Congress, UPON A VOTE OF THREE FOURTHS OF ALL ITS MEMBERS. Walang sinabi na vote of all members PRESENT.

Pero sabi ng isang former justice iba naman iyong legislative function ng Senado sa impeachment trial kaya iba ang interpretasyon ng ALL ITS MEMBERS. May distinction ba ang sinabi ng Saligang Batas?

Alam ba ng mga mambabatas na ito na sakaling palulusutin ang term extension proposal ay kailangang magkaroon muna ng PLEBESITO?

Tama! Kailangang ratified by a majority of the votes cast in a plebiscite.

Baka gawin nila iyong ginawa sa term ng barangay officials?

SOBRANG BEND DA LAW na yan dahil ang term ng presidente ay fixed by the constitution samantalang sa barangay at sk ay fixed ng Kongreso.

Sigurado kaya tayo na mananaig ang Saligang Batas o ipipilit nila sa pamamagitan ng numero sa Kongreso?

Kapag ganyan ang ginawa ng mga nakaupong mambabatas na kasabwat ang mga opisyal ng Palasyo, ang SALIGANG BATAS ay nagiging SALISIHANG BATAS.

Huwag naman, dahil ang taumbayan ang nagdurusa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here