MANILA, Philippines – Natukoy na ng mga kapamilya ang siyam sa 11 katawan na nakuha sa dagat na sakop ng Hadji Muhtamad, Basilan, nitong Huwebes, Enero 29.
Ayon sa Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), apat sa mga natukoy na nasawi ay mula sa Sulu habang ang lima ay mula Zamboanga City.
Sinabi ni Julkipli Ahijon Jr. ng Sulu PDRRMO na idineploy ang speedboat sa Basilan para kunin ang mga bangkay at dalhin ang mga ito sa kanilang pamilya sa Sulu.
Barko ng Philippine Coast Guard naman ang ginamit para ibyahe ang limang bangkay patungong Zamboanga City.
Batay sa advisory ng Basilan PDRRMO, kinilala ang mga nasawi na sina Nalda Muksan, Nursalyn Muammil, Dayam Awaluddin, Harlene Asgali, Harija Hadjirul, Nurdaya Tawasil, Dina Ambutong, Anisa Mahsom, at Mussah Sala. RNT/JGC