IPINABIBIGTI ng pamahalaang Iran ang mga napatunayang nagkasala sa iligal na droga, murder at iba pa.
Karamihan sa mga binitay ang lalaki at sangkot sa droga habang murder naman ang karamihan sa 31 babae.
Sa usaping droga, pinananatili ng gobyerno ang mga rekord ng mga sangkot dito at iniipon ang mga ulat na kung umabot na sa timbang na bitay ang parusa, bitay na ang kasunod dito.
Kabilang sa mga bawal na droga ang heroin, morphine, cocaine, LSD, methamphetamine, opium, hashish, or cannabis, smuggling at pagtatanim ng opium.
Bitay rin ang parusa sa droga na may kasamang pagnanakaw, rape at murder.
Karamihan sa mga lalaki ang Iranian mismo at mayroon ding mga dayuhan habang pagpatay sa sariling asawa dahil sa rape ng mga anak o misis mismo o kalupitan o pwersahang pag-aasawa ang kaso ng mga babae.
Ayon sa United Nations, pataas nang pataas ang bilang ng mga binibitay sa pamamagitan ng pagbigti taon-taon.
Kung mahigit 900 ang binigti nitong 2024, kasama ang 40 nitong Disyembre lamang, may 853 naman noong 2023.
Noong 2025 ang may pinakamaraming nabitay sa bilang na 972.
Sinasabi ng mga aktibista sa human rights na dapat itigil na ng Iran ang pagbitay bilang parusa sa mga sangkot sa mga itinuturing na karumal-dumal na krimen, kasama ang rebelyon o at iba pang pagkilos laban sa pamahalaan.
Lalong humigpit ang kahilingan ng mga ito sa pagkakahalal ni Masoud Pezeshkian bilang Pangulo noong Hulyo 2024 sa pangakong ipagtatanggol nito ang karapatang pantao at kababaihan.
Gayunman, pinairal ng pamahalaan ang kanilang batas at walang nagawa rito ni Pezeshkian.
Bukod sa nabanggit nang mga kaso na may parusang bitay, binibigti rin ang mga korap at may human trafficking.
Paano kaya kung pairalin ng Pinas ang ganitong batas, laban lalo na sa mga korap at sangkot sa droga?