Home METRO Calumpit, Bulacan nasa state of calamity pa rin

Calumpit, Bulacan nasa state of calamity pa rin

508
0

MANILA, Philippines – Halos isang buwan na makaraang salantain ng Super Typhoon Egay ang malaking bahagi ng bansa, nananatiling nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang bayan ng Calumpit, Bulacan.

Matatandaang inilagay sa state of calamity ang bayan noong Hulyo 30 makaraang 85% ng lugar, o 115,000 residente nito ang naapektuhan ng baha.

Nalubog din sa tubig ang ilang paaralan sa Calumpit kung kaya’t nagpapatupad ng shifting schedule para magamit ng mga estudyante ang mga silid-aralan na hindi nadamay.

Ayon kay Calumpit, Bulacan MDRRMO staff John Paul Adriano, hanggang nitong Lunes, Setyembre 4, hindi pa rin inaalis ang state of calamity dahil nananatiling lubog pa rin sa 1-4 feet na tubig ang bayan dahil sa high tide.

Dalawang barangay naman ang hindi madaanan ng mga maliliit na sasakyan.

Ani Adriano, posibleng abutin pa ng isang linggo bago tuluyang humupa ang baha. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here