MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Department of Health ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho ngayong Semana Santa, upang makaiwas sa disgrasya na maaaring mauwi sa kamatayan.
“As we enter Holy Week, let us be more kind and patient out on the road,” pahayag ng DOH.
Ayon sa health agency, maiiwasan ng mga indibidwal ang potensyal na nakamamatay na aksidente sa daan sa pamamagitan ng pagtalima sa mga sumusunod:
Regular na pagsuri sa mga sasakyan, partikular tuwing bibiyahe nang malayo
Pag-iwas sa pag-inom ng alak bago at tuwing nagmamaneho at pagkakaroon ng sapat na pahinga
Hindi paggamit ng cell phone tuwing nagmamaneho
Pag-inom ng maraming tubig at pagkakaroon ng maiksing pahinga sa mahahabang biyahe