Home HOME BANNER STORY Liquor ban kasado sa Maynila

Liquor ban kasado sa Maynila

MANILA, Philippines- Tinintahan ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang kautusang nagpapairal ng two-day ban sa pagbebenta at pag-inom ng alak sa loob ng 500-meter radius ng lahat ng Simbahang Katoliko sa lungsod.

Epektibo ang ban sa Marso 28, Huwebes, at sa ika-29, Biyernes, “to promote peace and order during the commemoration of Holy Week.”

Inatasan din ni Lacuna, sa Executive Order No. 9, series of 2024, ang Manila Police District at lahat ng law enforcement na mahigpit na ipatupad ang direktiba. JAY Reyes

Previous articlePITX: 4 driver ‘tumakas’ sa random drug test
Next articleDOH sa mga motorista: Mag-ingat sa pagmamaneho ngayong Holy Week