Home NATIONWIDE DOH sa mga motorista: Mag-ingat sa pagmamaneho ngayong Holy Week

DOH sa mga motorista: Mag-ingat sa pagmamaneho ngayong Holy Week

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Department of Health ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho ngayong Semana Santa, upang makaiwas sa disgrasya na maaaring mauwi sa kamatayan.

“As we enter Holy Week, let us be more kind and patient out on the road,” pahayag ng DOH.

Ayon sa health agency, maiiwasan ng mga indibidwal ang potensyal na nakamamatay na aksidente sa daan sa pamamagitan ng pagtalima sa mga sumusunod:

  • Regular na pagsuri sa mga sasakyan, partikular tuwing bibiyahe nang malayo

  • Pag-iwas sa pag-inom ng alak bago at tuwing nagmamaneho at pagkakaroon ng sapat na pahinga

  • Hindi paggamit ng cell phone tuwing nagmamaneho

  • Pag-inom ng maraming tubig at pagkakaroon ng maiksing pahinga sa mahahabang biyahe

Base sa World Health Organization, road crashes ang “major yet often neglected public health issue.”

Tumaas ang road traffic deaths sa bansa ng 39 porsyento sa 11,096 mula 7,938, ayon sa WHO, batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority. 

“Road traffic injuries are the leading cause of death among Filipinos 15-29 years old, and a major killer among children,” wika ng WHO. RNT/SA

Previous articleLiquor ban kasado sa Maynila
Next articleMga OFW buhay na bayani – Lapid