Home IN PHOTOS Mga OFW buhay na bayani – Lapid

Mga OFW buhay na bayani – Lapid

Namahagi si Supremo Senador Lito Lapid ng ayuda sa 640 pamilya ng Overseas Filipino Workers(OFWs) mula sa Metro Manila nitong March 18, 2024.

Sa isinagawang payout ng DSWD at OFW partylist sa Ayala mall, Parañaque City, tumanggap ang mga benepisyaryo ng halagang 2-milyong piso mula sa programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).

(c) Cesar Morales
(c) Cesar Morales

Sa kanyang talumpati, itinuring ni Sen. Lapid na mga buhay na bayani ang mga OFW na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay at nagpasalamat sa malaking ambag sa ekonomiya ng remittances ng mga ito.

Ayon kay Lapid, patuloy na nakatutok ang kanyang opisina sa mga problema ng mga OFW at kanilang pamilya para mabigyan ito ng solusyon.

Kamakailan, nagsulong si Supremo ng isang resolusyon para imbestigahan ng Senado ang kwestyunableng pagkawala at pag-abandona ng balikbayan boxes ng ilang local at foreign cargo forwarding companies.

Sa pamamagitan ni OFW Partylist Rep. Marissa Del Mar, nagpasalamat kay Supremo ang mga benepisyaryo sa natanggap na napapanahong ayuda na anila’y malaking tulong na sa kanilang pangangailangan. RNT

Previous articleDOH sa mga motorista: Mag-ingat sa pagmamaneho ngayong Holy Week
Next articleVillar ginawaran ng UNAP awards