Home NATIONWIDE Dangerous heat index nakaamba sa 4 lugar – PAGASA

Dangerous heat index nakaamba sa 4 lugar – PAGASA

101
0

MANILA, Philippines- Inaasahang makararanas ang apat na lugar ng “danger” level ng heat index ngayong Lunes, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa pinakabagong forecast, sinabi ng PAGASA na nagbabadyang maramdaman sa mga sumusunod na lugar ang pinakamataas na heat index sa bansa:

  • Aparri, Cagayan: 43 degrees Celsius

  • CBSUA sa Pili, Camarines Sur: 42°C

  • Catarman, Northern Samar: 43°C

  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 42°C

Batay sa PAGASA, posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion sa mga lugar na sapul ng danger level heat index, mula 42 hanggang 51°C. Nakaamba rin ang heat stroke kung patuloy ang exposure sa labis na init.

Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na bantayan ang mga sintomas ng heat-related illnesses:

  • labis na pagpapawis;

  • pagkapagod;

  • pagkahilo;

  • kawalan ng malay;

  • panghihina; at

  • pagsusuka.

Sa isang panayam, nagbabala si PAGASA’s weather specialist Obet Badrina na maaari pang lumala ang heat index sa bansa ngayong Abril.

“Lalo na ngayong buwan nga ng Abril na inaasahan natin na mas lalo pang tiitindi ‘yung init na nararamdaman sa malaking bahagi ng ating bansa,” wika niya.

Upang makaiwas sa heat-related illnesses, hinikayat ng PAGASA ang publiko na limitahan ang oras sa labas, uminom ng maraming tubig at iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, soda maging alak.

Payo pa nito, gumamit ng payong, sumbrero, at mga kasuotang may manggas tuwing lalabas, at itakda ang heavy-duty activities sa pagsisimula at pagtatapos ng araw o sa mga oras na hindi gaanong mainit ang panahon.

Idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño phenomenon noong July 4, 2023. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here