Home NATIONWIDE PAGASA: ‘Extreme danger’ heat index sa ilang lugar nagbabadya

PAGASA: ‘Extreme danger’ heat index sa ilang lugar nagbabadya

105
0

MANILA, Philippines- Nagbabala ang state weather bureau PAGASA nitong Huwebes sa ilang lugar sa bansa na maaaring makaranas ng “extreme danger” heat index, o temperaturang aabot sa 52 degrees Celcius pataas, dahil sa patuloy na epekto ng El Niño at ng tag-init.

“Sa ngayon based sa monitoring ng PAGASA sa matataas na discomfort index or heat index, may possibility na may areas po na makaranas nitong tinatawag na extreme danger, yung 52 pataas,” pahayag ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Liza Solis.

“Kung tayo ay direktang nakatutok sa init ng araw, heatstroke is imminent or probable kaya dapat ito ay ating iwasan,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ng PAGASA na maaaring pumalo ang heat index sa “danger” level mula 42 hanggang 51 degrees Celcius sa 18 lugar ngayong Huwebes.

Sa ilalim ng klasipikasyong ito, sinabi ng ahensya na “heat cramps and heat exhaustion are like, and heat stroke is probable with continued exposure.”

“Historically kasi ang mataas na temperature na naitatala during the month of April as well as during the months of May, kaya dito nakikita natin na possible pa rin na patuloy na iinit o tataas ang temperature,” wika ni Solis.

“Pagdating ng Mayo asahan natin lalong lalo na dyan sa parte ng Cagayan valley area, pati sa parte ng Isabela ng Cagayan pati na dyan sa Ilocos region, medyo iinit din po, kasama na ang Central Luzon area at also mga karatig probinsya ng Metro Manila, Batangas, Cavite, at coastal areas medyo mainit pa rin yan kaya ingat tayo,” patuloy niya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here