MANILA, Philippines- Nakatakdang rebisahin ni Senador Robin Padilla ang karta ng National Food Authority (NFA) at Rice Fund sa Rice Tariffication Law upang palakasin ang programa ng pamahalaan sa food security.
Sinabi ni Padilla na ang pagpapalakas sa kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) upang pangasiwaan ang suplay ng bigas, at pagpapaunlad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang susi sa pagpapatatag ng presyo at suplay ng bigas, at gawing mas abot-kaya ang presyo ng bigas.
Aniya, ito ang layunin ng Senate Bill 2672 na kanyang inihain na nagmumungkahi rin ng Rice Industry Development-Program Management Office (RID-PMO) para sa “holistic approach” ng mga ahensya at taong may kinalaman sa suplay ng bigas.
Pangunahing awtor ng batas si Senador Cynthia Villar na ipinaglaban ito sa nakaraang administrasyon.
“The present amendatory bill seeks to restore the NFA’s role in managing the country’s supply chain. With the renewed and strengthened mandate of NFA in the amendatory bill, the stabilization of the price of rice will be guaranteed and supply functions will be regulated. Ultimately, access to cheaper rice will be more feasible for poor Filipinos,” ani Padilla sa kanyang panukalang batas na nagmungkahi ng pagbabago sa Rice Tariffication Law (RA 11203).
Mungkahi rin ni Padilla na palakasin ang RCEF at i-extend ang validity nito ng anim na taon, para pagandahin ang competitiveness at kita ng mga magsasaka.
Sa panukalang batas, mungkahi ni Padilla na ang NFA ay bigyan ng kapangyarihan na tiyaking masunod ang regulasyon, gamit ang “expertise and nationwide network” nito para panindigan ang “national interest in rice buffer stocking and food security.”
Ilan sa kapangyarihan ng NFA ay:
Pag-require ng registration ng grains warehouses at paggawa ng national database
Pag-inspect sa warehouses mga bodega para tiyakin ang pagsunod sa mga
Pangongolekta at pag-analyze ng datos sa rice trade activities para gumawa ng wastong polisiya.
Maaaring magdeklara ang kalihim ng agrikultura ng emergency sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council o Local Price Coordinating Council, sa mga sumusunod na kondisyon:
Pagkukulang sa suplay ng bigas;
Patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas;
Pambihirang pagtaas sa presyo ng bigas






