Home OPINION MGA KALSADA SA QC ASPALTADO PERO LUBAK-LUBAK

MGA KALSADA SA QC ASPALTADO PERO LUBAK-LUBAK

139
0

PARA sa mga bumibiyahe sa mga lansangan sa lungsod ng Quezon na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte, nakaiirita ang mga kalsada sapagkat ginawa ng mga nakakuhang contractor subalit hindi naman maayos ang kanilang trabaho.

Sa madaling salita, patama ang ginawa nilang trabaho sa kalsadang kanilang inaspalto at hindi sinemento sapagkat lubak-lubak pa rin kapag dumaraan ang mga sasakyan na nararamdaman siyempre ng mga sakay nito.

Isang halimbawa ang D. Tuazon sa nasabing lungsod na ang ilang bahagi ay ginagawa pa rin habang ang ilang parte ay nagawa na pero parang hindi rin dahil marami ngang lubak na napakahirap iwasan na hindi madaanan ng mga sasakyan.

Ang sasakyang dumaraan tuloy sa nasabing kalsada mula Araneta Avenue hanggang Quezon Avenue ay parang dumaraan sa sungkaan o kaya naman ay nagpapatintero o sumasayaw ng tinikling.

Natural, hindi iisa ang contractor nito o ng buong kahabaan nito. Pero dapat ay maimbestigahan kung anong mga materyales ang nakalagay sa kontrata at ano naman ang kanilang mga ginamit.

Dapat kasi, kapag may ganyang pagawa ang gobyerno, nakasaad sa kontrata kung hanggang kailan ang posibleng itagal ng paggawa at ang itatagal ng ginawa. Mayroon kasing ibang ginawa na bunuhos lang ng konti ang ulan, naanod na ang aspalto kaya nagkalubak-lubak ang daan na tila ng butas sa buwan.

Sabagay, hindi lang naman sa D. Tuazon ganito ang kalye subalit maging sa ilang lugar pa sa QC lalo na sa papuntang bahagi ng North.

Wala lang nag-uulat kay Belmonte at maging sa Department of Public Works and Highways kaugnay sa ginawang mga kalye.

Mayroon ding mga kalye sa QC na ginagawa na inabot na halos ng kulang isang taon pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos. Hindi kaya makabubuting busisiin ng pamahalaan ang mga ganitong trabaho na pinagtatagal ng mga contractor at ginagawa lang kapag nasa “mood” ang mga nangangasiwa nito at maging ang mga tauhan.

Pero hindi lang QC may mga ganitong kalye, maging ang sinasabing maunlad na Valenzuela at Caloocan cities.

ReplyReply to allForward

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here