Home NATIONWIDE 900 kabataan makikinabang sa SPES sa tulong ng fast food giant –...

900 kabataan makikinabang sa SPES sa tulong ng fast food giant – DOLE

144
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaasahang nasa 900 kabataan na naglalayong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral ang makikinabang mula sa pinalakas na Special Program for Employment of Students (SPES) ng ahensya sa pakikipagtulungan ng isang fast food giant.

Ito ay kasunod ng paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DOLE at Jollibee Foods Corporation (JFC) para sa pinahusay na implementasyon ng programa noong Hulyo 4, 2024 sa DOLE Central Office sa Intramuros, Maynila.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma na ang pagtutulungan ay alinsunod sa agenda ng pamahalaan na lumikha ng trabaho sa ilalim ng Philippine Labor and Employment Plan 2023-2028 at resulta ng katatapos na 2024 National Employment Summit.

Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng pagtataguyod ng kakayahang makapagtrabaho ng kabataan sa pamamagitan ng edukasyon at pagsasanay na naaayon sa mga kinakailangan ng industriya sa pamamagitan ng suporta ng mga employer mula sa pribadong sektor.

Binanggit din ng Kalihim na may kabuuang 18,354 na estudyante ang nabigyan ng pansamantalang trabaho sa pamamagitan ng SPES mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, at inaasahang tataas pa ang bilang sa pinalakas na pagtutulungan sa pagitan ng JFC.

“Through the training and internship that the company offers, beneficiaries gain hands-on experience in real-world environments, industry-specific skills, professional development, and mentorship. This practical exposure equips them with industry-specific knowledge and skills essential for today’s job market,” pahayag ni Secretary Laguesma.

“When we invest in our youth, especially those in the marginalized and vulnerable sectors, we provide them with the tools and the support they need to reach their full potential,” dagdag niya.

Samantala, ipinahayag ni Ms. Ruth B. Angeles, Chief Human Resources Officer ng JFC Philippines ang bisyon ng kompanya na makatulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng makabuluhang trabaho, lalo na para sa mga estudyanteng kulang sa pribilehiyo.

Pagtitiyak ni Angeles na ang mga benepisyaryo ng SPES ay nasa mabuting kamay na pinatunayan sa pagdalo ng mga pinuno ng human resource ng corporation sa naganap na paglalagda ng MOA.

Ang SPES ay isang youth employment-bridging program na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga mahihirap na mag-aaral, out-of-school youth, at dependents ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa panahon ng kanilang bakasyon mula sa eskuwela upang madagdagan ang kita ng kanilang pamilya at matiyak na maipagpapatuloy ng mga benepisyaryo ang kanilang pag-aaral. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here