Home METRO Nagtitinda ng goto todas sa bumagsak na puno!

Nagtitinda ng goto todas sa bumagsak na puno!

184
0

NASUGBU, Batangas- Patay ang isang goto vendor matapos mabagsakan ng malaking puno ng acacia dahil sa malakas na hangin at ulan dulot ni bagyong “Carina” sa Barangay Poblacion 3, sa bayang ito nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Virgilio, 46, residente ng Barangay Talangan sa lugar na ito.

Batay sa imbestigasyon, nagbebenta ng goto si Virgilio sa kanyang tricycle nang biglang bumagsak ang puno ng acacia at matamaan ito.

Nasugatan ang biktima at dinala sa ospital kung saan siya idineklarang patay dahil sa head trauma. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here