Home NATIONWIDE Ilang mall binuksan para sa mga indibidwal na apektado ni ‘Carina’

Ilang mall binuksan para sa mga indibidwal na apektado ni ‘Carina’

166
0

MANILA, Philippines- Binuksan ng ilang mall nitong Miyerkules ang pintuan nito para sa mga indibidwal na apektado ng malakas na ulan at pagbaha dulot ni Bagyong Carina (international name: Gaemi) at ng habagat.

Inanunsyo ng sumusunod na mga mall na libre ang overnight parking, WiFi access, at charging stations ngayong Hulyo 24:

  • SM City Marikina

  • SM City Masinag

  • SM City San Mateo

  • SM City North Edsa

  • SM City Fairview

  • SM City Grand Central

  • SM City Sta. Mesa

  • SM City San Lazaro

  • SM City Marilao

  • Robinsons Metro East

  • Robinsons Magnolia

  • Robinsons Malolos

  • Robinsons Manila

  • Robinsons Otis

  • Robinsons GalleriaVista Mall

Samantala, sinabi ng Ayala Malls, “designated waiting areas and restrooms are accessible beyond mall operating hours and overnight parking fees are waived” sa mga sumusunod na mall:

  • Ayala Malls Marikina

  • Ayala Malls Feliz

  • Ayala Malls Fairview Terraces

Nauna nang inulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na lumakas pa si Bagyong Carina nitong Miyerkules ng umaga at inaasahang magla-landfall sa Taiwan sa hapon o sa gabi. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here