MANILA, Philippines- Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) si bagyong “Carina” (international name “Gaemi”) bilang super typhoon nitong Miyerkules ng hapon, Hulyo 24.
Kasalukuyang may bitbit na maximum sustained winds na 185 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at gusts hanggang 230 kph si bagyong Carina, mula sa 165 kph maximum winds at 205 kph wind gusts na naitala ilang oras na ang nakalilipas.
Bagama’t hindi pa nagla-landfall ang super typhoon sa Taiwan, patuloy nitong hinihila ang southwest monsoon, o “habagat,” patungo sa Pilipinas, na nagdudulot ng malakas na pag-ulan at gusty conditions sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Hanggang alas-3 ng hapon, ang sentro ng mata ng super typhoon ay namataan 395 kilometers north ng Itbayat, Batanes.
Inaasahang patuloy na kikilos si Carina sa direksyong northwestward sa bilis na 20 kph. RNT/SA