Home OPINION FOOD SAFETY ISAMA SA ‘2024 BRIGADA ESKWELA’

FOOD SAFETY ISAMA SA ‘2024 BRIGADA ESKWELA’

134
0

BAYANIHAN Para Sa Matatag na Paaralan ang tema ng 2024 Brigada Eskwela na pinangungunahan ng Department of Education at kasalukuyang ginaganap mula pa noong July 22 hanggang July 27 taong kasalukuyan.

Napakahalaga ng BE dahil napag-iisa nito ang local communities, alumni, civic groups, local businesses, non-governmental organizations , private individuals, teachers at students para magbahagi ng kanilang oras, pagsisikap at resources para sa nalalapit na pasukan ng public schools.

Siyempre bilang isang safety and health professional, ating ambag ang pagbabahagi ng ilang impormasyon tungkol sa food safety.

Ayon sa World Health Organization o WHO, isa sa sampung tao sa mundo ang maaaring magkasakit sanhi ng kontaminadong pagkain.

Sa taunang talaan, umaabot sa 420,000 katao taon-taon ang namamatay at kabilang dito ang ilang mag-aaral.

Maaari kasing magkasakit ang isang estudyante sanhi ng foodborne pathogens tulad ng bacteria, viruses at parasites na nakakapasok sa katawan mula sa kontaminadong pagkain. Nakatatakot din ang masamang senaryo dulot ng mga pagkaing expired at hindi kontrolado.

Maaari ring mapahamak ang mga bata kung aksidenteng mahaluan ang kanilang pagkain ng physical objects tulad ng staple wire, toothpick, metal particles, screw ng takip ng kaserola, chip ng steel wool sponge at iba pa na magdudulot ng sugat sa kanilang digestive system.

Kaya may inilaan tayong food safety tips para sa mga magulang:

  1. Turuan ng tamang paghuhugas ng kamay ang mga anak bago at pagkatapos kumain.
  2. Sa pagluluto, ihiwalay ang mga hilaw na pagkain tulad ng karne, manok, seafood at itlog.
  3. Huwag palamigin ng higit pa sa dalawang oras ang pagkaing luto.
  4. Ugaliing panatilihin ang good housekeeping sa kusina at hapag-kainan.
  5. Markahan o lagyan ng label ang mga lalagyan ng pagkain at kemikal na panlinis.
  6. Siguraduhing malinis at may takip ang mga food container; at
  7. Alamin ang expiration date ng mga pagkaing binibili.

Kung gagawin ang mga nasa itaas, magdudulot ng magandang kalusugan ang kalinisan ng kusina at maaliwalas na hapag-kainan para sa ating mga estudyante.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here