Home OPINION EH BAKIT NGAYON LANG?

EH BAKIT NGAYON LANG?

141
0

BINAWAL na ni Pangulong Marcos ang operasyon ng mga POGO sa bansa. Eh bakit ngayon lang?

Isinabay pa talaga sa ika-3 State of the Nation Address ang utos ni Marcos para nga naman pogi ang kanyang peg.

Iniutos ng Pangulo sa Philippine Amusement and Gaming Corporation na simulan ang pagpapatigil sa operasyon ng POGO para sa kanilang ganap na pagsasara sa katapusan ng taon.

May mga legit Filipino POGO workers ang apektado ng kautusan ni Marcos. Pinatutulungan na sila sa Department of Labor and Employment na maihanap ng trabaho.

Aba’y mahigit  42,000 Pinoy ang nawalan ng trabaho sa isang iglap nang hindi iniisip kung paano sila at ang kanilang pamilya bubuhayin.

Siyempre, ang anunsyo ay umani ng standing ovation sa mga mambabatas na ang ilan sa totoo lang ay tutol sa total POGO ban.

Tutol din ang PAGCOR sa total ban ng POGO kahit sinasabing mas malaking problema ang ibinibigay nito sa peace and order kaysa sa halagang naibibigay sa ekonomiya.

Maraming hindi batid na bawal sa China ang gamings at mga sugal na pinagkakakitaan ng POGO.

E bakit ito nakapasok sa Pilipinas at pinagkakitaan pa ng mga illegal Chinese?

Marahil ay tuwang-tuwa ngayon ang China sa pagbabawal (ngayon lang) sa POGO sa bansa dahil mababawasan ang mga kriminal na nang-aabuso sa kanilang mga kababayan.

Sa katunayan, matagal nang hiniling ng gobyerno ng China na ipagbawal ng Pilipinas ang POGO. Pero hindi agad inihinto ang POGO na para bang patuloy pang ipinalaganap sa ating bansa.

Sa totoo lang, ang mga opisyal ng Pilipinas ang umakit pa nga sa mga Chinese na sangkot sa POGO upang kumita ng dolyar ang bansa, makakolekta ng buwis ang gobyerno at dumami ang upa sa mga gusali, at magkaroon ng limpak-limpak na bahagi ang PAGCOR sa mga casino at iba pang larong pinagkakakitaan dito.

Kung may dapat sisihin sa paglaki ng POGO sa Pilipinas ay ang atin mismong gobyerno na nagpahintulot sa kanilang magtayo ng operasyon nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here