INATAKE o minasama ni Senador Risa Hontiveros ang hindi pagsama ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address ang kagustuhan ng International Criminal Court na mag-paimbestiga sa loob ng Pinas at magsampa ng kaso sa sarili nitong bakuran laban kay ex-President Digong Duterte kaugnay ng giyera sa droga.
Nakukulangan si Hontiveros sa sinabi ni Pangulong Marcos na “Extermination was never one of them” o walang pagpatay bilang bahagi ng istratehiya ng kanyang administrasyon laban sa droga.
Tila gustong palabasin ni Hontiveros na walang paki o inutil si Marcos sa pagkamit ng katarungan para sa mga biktima ng war on drugs ni Duterte.
Nakapagtataka lang na tila hindi maintindihan ni Hontiveros ang punto ni Marcos na hindi dapat makialam ang mga dayuhan sa mga panloob na usapin ng Pilipinas, kasama na ang pagpapatakbo ng katarungan kahit pa sa usapin ng droga.
Sabi ni Marcos, walang hurisdiksyon o kapangyarihang maghari sa Pinas ang mga dayuhan, kahit pa sa mga kaso sa droga lalo’t gumagana naman ang mga korte sa ilalim ng Korte Suprema na ngayo’y pinamumunuan ni Chief Justice Alexander Gesmundo.
Ipinagbabawal sa batas ng ICC ang pakikialam nito sa bansang gumagana ang sistemang pangkatarungan.
Lumalabas tuloy na hindi kinikilala o hindi nagtitiwala si Hontiveros sa piskalya at korte sa Pilipinas kundi sa ICC prosecutor at ICC bilang korte lamang.
Weeeeh!
Heto naman ang hamon kay Hontiveros.
Ayon sa Dahas, isang proyekto ng College of Social Sciences and Philosophy sa University of the Philippines, Diliman, may isang pinapatay sa war on drugs ng administrasyong Marcos simula noong Hulyo 1, 2022 hanggang Marso 2024.
May 701 pagpatay umano at 283 o 40.4 porsyento rito ang gawa umano ng mga pulis at iba pang tauhan ng pamahalaan.
Ngayon, bakit ang Duterte administration lang ang idiniriin ni Hontiveros at tila hindi nito nakikita ang mga pagpatay sa Marcos administration?
Weeeeeh ulit!






