Home ENTERTAINMENT Vice, nagtanggal ng wig, umani ng standing ovation!

Vice, nagtanggal ng wig, umani ng standing ovation!

201
0

Manila, Philippines – Pinaiyak at pinuri si Vice Ganda ng mga kapwa hosts sa It’s Showtime sa isang episode nito matapos niyang tanggalin ang kanyang wig.

Naganap ‘yon sa segment na EXpecially For You kung saan may isang searcher na naggangalang April.

Inamin ni April na kinailangan daw niyang itaboy ang dating nobyo as she felt the guy deserved better than her.

Nawalan kasi ng kumpiyansa si April sa kanyang sarili.

Ito’y bunga na rin daw ng ilang mga dahilan tungkol sa sarili at sa kanyang pamilya.

As regards her family, suportado raw niya ito.

Namatayan siya ng ama, habang may sakit pa raw ang kanyang ina.

To make matters worse, dinapuan pa siya ng alopecia na nagdulot sa kanya ng insecurity.

Ang alopecia ay isang autoimmune disease na nagreesulta sa pagkalagas ng buhok.

Mangiyak-ngiyak na inilahad ni April ang kanyang kuwento.

Bilang suporta, niyakap siya ni Vice Ganda na naka-relate kay April.

Dasal ng TV host, makahanap sana si April ng lalaking magmamahal sa kanya, magsasabi ng I love you sa kabila ng pagkakaroon ng alopecia.

Tulad daw sa kaso niya, ang pagsusuot ng wig ay hindi pang-awra o pamporma.

Ito raw ay nagdudulot sa TV host ng power, hope at strength.

Also in her case, natagpuan na raw niya ang lalaking magmamahal sa kanya–ke nakasuot siya ng wig o wala: si lon Perez.

At doon na nga naganap ang ‘di inaasahan ng kanyang mga cohosts at studio audience.

Tinanggal ni Vice Ganda ang kanyang wig that earned her a standing ovation. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here