MANILA, Philippines- Kinumpirma ni Shiela Guo nitong Martes sa Senate panel na umalis siya, kasama ang kanyang mga kapatid na sina dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at Wesley Guo, sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsakay sa ilang bangka.
“Sakay po kami ng boat,” paglalahad ni Guo sa Senate subcommittee on justice and human rights na nag-iimbestiga sa umano’y pagtakas nila mula sa Pilipinas.
Base kay Guo, sinundo silang tatlo ng isang van mula sa kanilang tahanan at naglakbay sila ng hanggang hatinggabi.
Subalit, sinabi niyang hindi niya alam ang lokasyon nang sumakay sila sa maliit na puting bangka, saka lumipat sa mas malaking bangka.