Home HOME BANNER STORY Shiela Guo, mga kapatid sumakay sa mga bangka para makaalis ng bansa

Shiela Guo, mga kapatid sumakay sa mga bangka para makaalis ng bansa

153
0

MANILA, Philippines- Kinumpirma ni Shiela Guo nitong Martes sa Senate panel na umalis siya, kasama ang kanyang mga kapatid na sina dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at Wesley Guo, sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsakay sa ilang bangka.

“Sakay po kami ng boat,” paglalahad ni Guo sa Senate subcommittee on justice and human rights na nag-iimbestiga sa umano’y pagtakas nila mula sa Pilipinas.

Base kay Guo, sinundo silang tatlo ng isang van mula sa kanilang tahanan at naglakbay sila ng hanggang hatinggabi.

Subalit, sinabi niyang hindi niya alam ang lokasyon nang sumakay sila sa maliit na puting bangka, saka lumipat sa mas malaking bangka.

“Siguro hatinggabi kami sakay tapos halos umaga na,” sabi ni Guo.

Matapos ito, lumipat umano muli sila sa mas maliit na bangka.

“May palit pa isa ulit. ‘Yung maliit naman na parang kulay blue o green,” aniya.

Dumalo sa pagdinig si Guo dahil kasalukuyan siyang nakaditene sa Senado.

Matatandaang naharang sila ni Cassandra Li Ong sa Indonesia noong nakaraang linggo.

Kabilang si Shiela Guo sa mga indibidwal na ipinaaresto ng Senado noong Hulyo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here