Home SPORTS Olympic rings ipinatattoo ni LeBronSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES Olympic rings ipinatattoo ni LeBronSeptember 25, 2024 13:161570 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Ibinida ni NBA superstar LeBron James ang kaniyang bagong tattoo.Ipinakita ni LeBron sa kanyang social media account ang Olympic rings na nakaukit sa kanyang kanang siko.Ayon kay LeBron, bahagi na ng kanyang buhay ang paglalaro noong 2024 Paris Olympics.Inihayag din nito na hindi rin siya sigurado kung ito na ang huli niyang paglalaro sa Olympics dahil sa edad na rin.Nagwagi ng ikatlong gold sa Olympics ang 39-anyos na Los Angeles Lakers star sa katatapos na Paris Olympics.Si LeBron din ang itinalagang team captain ng Team USA at flag bearer sa opening games.Sinabi ni LeBron na pagdating ng 2028 Los Angeles Olympics, siya ay nasa edad 44 na kaya hindi niya matiyak kung makakapaglaro pa siya doon.JC