Home NATIONWIDE 9 patay sa sunog sa ospital sa Taiwan

9 patay sa sunog sa ospital sa Taiwan

158
0

TAIWAN – Patay ang siyam katao matapos ma-trap sa nasunog na ospital sa southern Taiwan nitong Huwebes, Oktubre 3.

Iniulat ang sunog sa Pingtung County bandang 7:40 ng umaga, at naapula bandang ala-1 ng hapon.

Walong biktima ang kumpirmadong nasawi na dinala pa sa ospital, habang isa ang naabutang wala nang buhay sa lugar na pinangyarihan ng sunog.

Ang sunog ay sumiklab sa kaparehong araw ng pananalasa ng bagyong Krathon bagamat hindi naman magkaugnay ang dalawang insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here