Home ENTERTAINMENT Rhian, aminadong nawawalan ng oras ang jowa!

Rhian, aminadong nawawalan ng oras ang jowa!

103
0

Manila, Philippines – Tipong pukpukan na ang ginagawang pangangampaya ni Dear SV aka Cong. Sam Versoza para sa mga taga Maynila this coming 2025 electio kung saan tatakbo siya bilang Mayor ng nasabing lunsod.

Tipong ang mahigpit niyang makakalaban ay ang dating Mayor ng Maynila na si Isko Moreno.

Kumakailan lamang ay namigay si Dear SV ng 100 food carts para ipangnegosyo ng mga mahihirap at walang trabaho.

Tapos nito lang September 29, 2024 ay may ganap uli siya called SV Driven To Heal charity event na ang venue ay sa Frontrow Headquarters sa may uQuezon Avenue, QC kung saan naka-display ang mga luxury cars na pulos bago katulad ng Rolls Royce, Ferrari at iba pang luxury cars na for sale.

Yes, ibinenta ni Sam ang mga koleksiyon niya ng luxury cars na ang sabi, for this batch ay 10 mamahaling kotse na may P40 M ang isa (Rolls Royce) at ang target niya ay makapag-raise ng P200M para makapagpatayo ng dialysis at diagnostic center para sa mga taga-Maynila.

Wowowin, devah naman mga Maritess at mga tribu ni Mosang? Yun na!

Natanong nga ng mga invited press pipol ang girlfriend ni Dear SV or Sam Versoza na si Rhian Ramos kung okay lang sa kanya na tumakbong Mayor ng Manila ang kanyang labs at ang kanyang naging sagot ay, “Nagulat talaga ako kasi para siyang threat sa akin kasi mawawalan siya talaga ng oras para sa akin, eh.

“Ang mayor is a full-time job talaga, kahit midnight, ‘pag may nangyari sa lugar mo, kailangang nandu’n ka. So, ‘yun lang naman ang naging concern ko but I believe naman na it’s something he can do and I know naman na ang mga intentions niya for it are the right intentions, na ganu’n naman dapat, na gusto niya lang talaga makagawa ng mga positive changes, makatulong, and ayun, hindi niya iniisip ‘yung mga pansariling interes which is kahit ayoko ng politician boyfriend, support naman ako sa mga dahilan kung bakit nandiyan siya.”

Hindi raw pinakikialaman ni Rhian kung grabe man at malaki ang inilalabas na pera ngayon ni Sam sa matunog nitong pagtakbo, basta ang mahalaga para sa kanya ay masaya ang BF at walang stress.

Nakikita raw kasi niya ang pure intention ni Sam at ‘yun ang mahalaga kaya suportado niya ang kanyang si Dear SV.

Wow, suwerte naman ni Cong. Sam na nakatagpo siya ng maunawaing girlfriend sa katauhan nga nitong si Rhian na marami rin naman ang na-in love kabilang na ang ilang tribu ng katomboyan, boom ganernn! Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here