
MANILA, Philippines – Naghain na rin ng certificate of nomination and certificate of acceptance of nomination para sa 2023 midterm election ang P3P Partylist o Pamilya, Pasyente at PWD.
Kinakatawan bilang unang nominee ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang P3P Partylist kung saan siya ang personal na naghain ng CON-CAN.
Hindi rin pinalampas ni Atty. Guanzon ang mga mayayamang partylist group na hindi naman aniya maituturing na marginalized sector.






