Home NATIONWIDE Anomalya sa Comelec pinaiimbestigahan ni Erice sa Kamara

Anomalya sa Comelec pinaiimbestigahan ni Erice sa Kamara

200
0

MANILA, Philippines – Kasabay ng kasagsagan ng paghahain ng kandidatura para sa 2025 national and local elections sa Manila Hotel Tent City, si dating Caloocan City 2nd District Rep.Egay Erice ay nagpakita ng ilang mga dokumento na nagpapatunay na hinayaan ng Commission on Election (Comelec) na maloko sila sa pinasok na kontrata sa Miru System.

Ito’y matapos madiskubre na nasa ibang pangalan pala ang local service provider na St. Timothy Construction Corporation na kabilang sa joint venture ng Miru.

Giit ni Erice na sa pagsali pa lang ng Miru System sa bidding ay nanloko na sila pero hinayaan lamang daw ito ng Comelec.

Paliwanag pa ng dating mambabatas, pinag-withdraw ni Comelec Chairman George Garcia ang local provider upang hindi na ito masilip pa lalo na’t lumalabas na dummy lamang ang St. Timothy ng ibang kompaniya.

Sinabi ng mambabatas na handang sampahan ni Erice si Garcia ng impeachment kung saan nananawagan siya sa Kongreso na imbestigahan ang anomalya sa sistema ng Comelec.

Magpapasa rin siya ng karagdagang manifestation sa Korte Suprema para makumbinsi ang mga mahistrado kung bakit kailangan kanselahin ang kontrata. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here